Martes, Hulyo 5, 2011

FIRST LOVE. (Comedy - Puppy Love - Drama)

Lahat naman yata may first love? Kahit pa hindi naging kayo. Kasi minsan, akala mo crush mo lang, mahal mo na pala. Naaalala niyo pa ba yung mga sari-sariling kwento ng "First Love" niyo? Ako, oo. Sino bang hindi?

Nagsimula akong magka-girlfriend nung Grade 5 ako. Nakakatawa yung kwento kasi parang laro-laro lang. Ano bang ie-expect natin sa kabataan nuon dba? Yung sa panahon pa natin nuon, hindi ngayon ang tinutukoy ko.

May crush ako dati sa kabilang section. Isa siyang half German. Talagang namumula ako nun kapag magkasalubong kami sa campus o kaya naman eh kahit masilip ko siya sa loob ng room nila kapag nadaan kami ng barkada. To make the long story short, ayun. Uhm, one time nasa labas kami ng classroom namin tumatambay tas papalapit siya sa amin kasama rin yung mga friends niya. Tas nung saktong nasa harap ko na siya eh tinulak ako ng isa kong kabarkada papunta sa kanya. Eh ako naman palampa-lampa dati kaya nasandal ako sa kanya. Hiyang-hiya ako nuon eh. Alam niyo yung feeling na napahiya ka sa crush mo. Para sa akin, isang napakalaking kahihiyan talaga yun eh. Tas yun, nag-sorry ako sa kanya tas sabi niya okay lang naman daw pero syempre tawanan sila ng mga kaibigan niya pati yung mga ungas kong kabarkada sa likod ko hanggang sa tinukso-tukso nila ako palagi kapag nagkasalubong kami.

Hanggang sa naging magkaibigan kami. Lagi na kami magkasabay mag lunch. Kapag snacks naman, minsan pinupuntahan ako nila ng mga kaibigan niya tas sabay kami pumupunta sa cafeteria. Hanggang sa kapag may mga activities sa school, kapag may mga practice every Saturday magkasama kami lagi. Hanggang sa sinabi ko sa kanya na "mahal" ko siya. Ewan ko ba kung bakit, pero after ilang years napaisip ako kung love ba talaga tawag doon since ang bata-bata pa namin.

Anyway, so yun. Sinabi rin niya sakin na medyo nade-develop na rin siya at tsaka natawa lang kaming pareho nung sinabi niya na crush niya din ako nuon at may clue na din daw siya na may crush din ako sa kanya kaya di daw siya nagpapahalata. Yun, naging kami. :) Ang saya nun kasi parang iba yung pakiramdam lalo na`t first love namin ang isa`t-isa.

Pero may dumating na malaking pagsubok sa amin. Bumalik dito ang Daddy niya at kinuha sila ng Mommy at kapatid niya. Punta silang Germany for good. Nung sinabi niya sa akin yun, di ko matanggap. Sobrang sakit. Parang pinutol yung kasiyahan ko. Eh wala naman akong magagawa eh at tsaka sobrang bata pa namin nun para makaisip ng paraan dba. Ayun, bago siya umalis. Madami siyang sinabi sakin. Mahal na mahal niya daw ako at sana wag ko siya kakalimutan. Nagdesisyon pa kami nuon na hindi magbreak pero nahirapan kami. Syempre hindi pa uso dati yung mga IM sa amin. :))

Hanggang nung 2010, nagulat ako, in-add niya ako sa Facebook. Sobrang gulat talaga ako eh kasi after niyang umalis wala na talaga kaming communication. In-accept ko agad siya at nag-iwan ako ng message sa inbox niya. Kinamusta ko siya. Nag-usap kami. Na scrnshot ko dati yung usapan namin pero hindi ko na makita. Nasa isang laptop kasi yun. Sira na. Pero ito yung sinabi niya sa isang response niya:

"You have to finish your studies first! Are you crazy? What made you think of working without finishing your course? It`s better to have a profession not just a "work". You know, til now, I don`t have a boyfriend. I still think about you. It makes me teary-eyed everytime I remember the things we used to do back then. I have so many guy suitors here but I didn`t choose any of them. I hope we`ll see each other soon. Take care of yourself."

Sinabi ko rin sa kanya na madami akong naging gf after nung love story namin. Hindi ko alam kung bakit pero parang na-guilty ako nuon nung nalaman kong pinili niyang hindi mag boyfriend dahil lang sa memories na meron kami. Napaka-swerte lang talaga ng lalaking mapapa-ibig niya. She`s the definition of perfect para sa akin nuon. Maganda, matalino, mabait. Lahat na. Maganda estado sa buhay. Hanggang sa nagkausap ulit kami. Kinwento ko sa kanya yung 18 ex-girlfriends ko. Natawa lang kami pareho. Sinabi ko sa kanya na siguro nga hindi talaga kami para sa isa`t-isa. Kailangan na din niya mag-move on at nang makahanap na siya ng taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.

May mga bagay lang talaga sa mundo na kahit anong pilit natin, kung hindi talaga para sa atin, hinding-hindi natin makukuha. Tingnan mo yung Pizza. Circular siya pero bakit square ang lalagyan niya? Kasi meron talagang magkaiba, pero bagay sa isa`t-isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento