Biyernes, Agosto 12, 2011

TOCOPHOBIA.

May iki-kwento ako. Tungkol sa Tito kong nagka-phobia sa mga buntis. Nakakatawa na nakakaawa na nakakainis yung kwentong to. In short, pambaliw. :)) Nagsimula lang siyang matakot sa mga buntis nung namatay ang asawa niya sa panganganak kasama na dun ang ibinubuntis nito. Ayun sa doctor nuon, patay na ang bata nung nasa sinapupunan pa lang. Siguro umabot din ng 2 years bago siya maka-move on. Sobrang sakit nun para sa kanya. Akala nga nila Lola eh mababaliw na si Tito. Hanggang sa may nakilala siyang babae na nagpatibok ulit ng kanyang puso. At sa di inaasahan, nabuntis niya ito. Nung sinabi sa kanya ng babae na nagdadalang tao siya, natakot si Tito. Tinakasan niya ang responsibilidad niya sa babae. Nagalit ang pamilya nung babae at sinugod si Tito ng kapatid na lalaki at binugbog sa mismong bahay niya. Di naman nagtagal, may nakilala ulit siyang babae. Gusto na nilang magpakasal nun pero nung sinabi ng babae na buntis siya, tinakasan na naman yun ni Tito. At naulit pa..at naulit uli. 4 na babae ang nabuntis niya at tinakasan.

Nung 3rd year college na ng pinsan kong babae, yung anak ng Tito ko. Nabuntis siya ng kanyang bf. Pananagutan naman siya ng bf niya pero natatakot lang siya dahil siguradong magagalit nun si Tito lalong-lalo na`t di pa siya nakapagtapos ng kurso niya. Sinabi niya yun kay Tito, kasama yung bf niya. Nagalit sa kanya si Tito at siguro sa sobrang inis rin ng pinsan ko, sinumbatan niya si Tito tungkol dun sa mga babaeng binuntis at iniwan niya. Sinabi ng pinsan ko na mas mabuti pa daw yung bf niya pinanagutan yung mga ginawa niya habang siya, tinakasan lang niya ang mga ito. Dun na nga, natauhan si Tito at tinanggap yung nangyari sa pinsan ko pero yun pa rin, takot pa rin siya sa mga buntis pero pagkatapos manganak ng pinsan ko, nawala na yung takot niyang yun.

Linggo, Hulyo 24, 2011

MAIKING LOVE STORY.

May kaibigan kasi ako. Close friend ko siya nitong college. Sa barkadahan namin, 4 kaming lalaki at 3 ang babae. Isa sa mga babae na yun ay gusto ng kaibigan ko. Itago na lang natin sa pangalang Trish si babae at Marc naman si lalaki. Matagal na niya gusto sabihin. Pero kasi, ang problema may boyfriend na si Trish pero hindi niya ito mahal. Naging boyfriend niya lang yung lalaki dahil “binili” na daw siya nito. Ang parents ng lalaki ang nagbabayad ng tuition ni Trish mula nung nasa 1st year college pa lang kami. Alam namin ang buong kwento ng buhay ni Trish simula nung 1st year. Wala siya tinatago sa aming kabarkada niya dahil sa kapatid ang turingan naming lahat.

Isang araw nung August 2010, gusto na talaga ni Marc sabihin yung nararamdaman niya para kay Trish at sabi ko, kung yun talaga ang gusto niya edi sabihin niya. Ise-set namin yung araw at oras na makapag-usap sila ng sila lang since palagi kami kasi magkasama lahat. So yun, dumating na yung araw na yun. Sinabi na ni Marc kay Trish. At nagulat kami nung sinabi ni Marc na gusto din daw siya ni Trish pero paano daw kasi eh may boyfriend na siya. Kaya hinayaan namin na sila ang magdesisyon. Ayaw kasi namin na dahil sa sulsol namin kaya nila gagawin iyon.

Saturday, may make up duty ako sa hospital kasama ko si Marc. Na-confiscate ng prof namin yung cellphone niya dahil nahuli siyang nagte-text habang nasa duty. Doon ko lang nakita s Marc na ganun kaadik magtext. Hindi kasi siya pala-text. Kaya tinanong ko kung bakit ang busy niya sa cellphone niya. Tas sabi niya si Trish daw yun at nanliligaw na siya pero patago lang. Ako lang daw muna ang nakakaalam sa barkada pero sinabi din naman nila yun sa lahat nung nagkasama na naman kami. Tas dumating yung araw na naging sila na. Halos lahat kam kunyari dedma. Kunyari hindi namin alam na sila na. Yung mga dating nakagawian namin, ganun pa din walang nagbago. Ang sweet nila pag kami ng barkada ang kasama at syempre sa pribadong lugar lang. Mayaman kasi yung isang boyfriend ni Trish at sigurado kaming mahuhuli siya kapag lumantad sila sa publikong lugar.

Maulan nun at maputik ang daan. Pauwi na kami. Nauna na ang tatlo naming kasama at naiwan kami ni Trish at Marc at isa pa naming barkada. Napatid si Trish sa bato at sumakit yung paa niya. Hindi niya daw kaya maglakad. Eh basa na kami nun at malapit naman na yung bahay niya kaya sabi ni Marc, bubuhatin na lang daw niya at kami naman, nasa likod lang nila at tumatakbo kami dahil ang lakas na talaga ng ulan. Abot-tanaw na namin ang bahay nila Trish kaya konti na lang sabi ng isa naming kasama. Pero biglang may dumaan na taxi kaya nagpaalam na kami ng isa kong kasama na magta-taxi na lang kami pauwi since malayo pa ang bahay namin kaya nagpatuloy si Marc sa pagbubuhat kay Trish.
Nung umagang pumasok na kami, wala si Marc. Absent siya. Mukhang malungkot si Trish. Tinanong ko kung bakit. Di niya ko sinagot. Okay lang daw siya. Pero nung breaktime sa canteen, sinabi niya sa amin na break na sila ni Marc. Hindi naman daw niya gusto pero kailangan. Nakita daw sila ng nanay niya at ng boyfriend niya na binubuhat siya ni Marc at pinagalitan siya ng nanay niya. Sinabihan daw siya na makipagbreak siya kay Marc o titigil siya sa pag-aaral. Pero kahit naman daw piliin niya na tumigil sa pag-aaral, wala naman daw siya magagawa dahil sa “nabenta” na siya sa lalaking yun kaya pinili niya ang boyfriend niya.

Sinubukan naming itext at tawagan si Marc pero hindi siya sumasagot hanggang sa dumating yung araw na nag-usap sila. Pumunta daw sila sa Lodge at dun nag-usap ng mabuti. Tinanong siya ni Marc kung mahal daw ba talaga siya ni Trish at paano daw niya malalaman kung totoong mahal daw siya. Sabi ni Trish, kahit naman daw dalawa sila ang naging boyfriend niya, mas mahal daw siya ni Trish kesa dun sa isa. Kasi simula pa lang naman daw eh hindi naman niya minahal yun. Sinabihan daw siya ni Trish na kung ayaw niya maniwala, makikipagsex daw siya kay Marc para yung lang ang paraan na maprove niyang siya lang ang unang lalaking minahal niya. Yung sinabi ni Trish na kahit naman daw hindi siya yung pinili ni Trish, sa kanya pa din naman daw ang puso niya. Pero hindi pumayag si Marc na magsex sila. Hindi naman daw kasi yun ang sagot at hindi naman daw kasi yung habol niya. Pero wala na silang nagawa. Gumraduate kami na hindi sila nag-uusap.

Pero nagulat ako nung nalaman kong sila na ulit. At masaya akong malaman na hindi na nakatali dun si Trish sa boyfriend niya. Dahil umuwi dito ang tatay niya at binayaran daw ang lahat ng ginastos ng lalaki sa kanya ng doble. Pero hindi bati yung nanay at tatay ni Trish dahil sa may 2nd family yung tatay niya sa Taguig.

Martes, Hulyo 5, 2011

FIRST LOVE. (Comedy - Puppy Love - Drama)

Lahat naman yata may first love? Kahit pa hindi naging kayo. Kasi minsan, akala mo crush mo lang, mahal mo na pala. Naaalala niyo pa ba yung mga sari-sariling kwento ng "First Love" niyo? Ako, oo. Sino bang hindi?

Nagsimula akong magka-girlfriend nung Grade 5 ako. Nakakatawa yung kwento kasi parang laro-laro lang. Ano bang ie-expect natin sa kabataan nuon dba? Yung sa panahon pa natin nuon, hindi ngayon ang tinutukoy ko.

May crush ako dati sa kabilang section. Isa siyang half German. Talagang namumula ako nun kapag magkasalubong kami sa campus o kaya naman eh kahit masilip ko siya sa loob ng room nila kapag nadaan kami ng barkada. To make the long story short, ayun. Uhm, one time nasa labas kami ng classroom namin tumatambay tas papalapit siya sa amin kasama rin yung mga friends niya. Tas nung saktong nasa harap ko na siya eh tinulak ako ng isa kong kabarkada papunta sa kanya. Eh ako naman palampa-lampa dati kaya nasandal ako sa kanya. Hiyang-hiya ako nuon eh. Alam niyo yung feeling na napahiya ka sa crush mo. Para sa akin, isang napakalaking kahihiyan talaga yun eh. Tas yun, nag-sorry ako sa kanya tas sabi niya okay lang naman daw pero syempre tawanan sila ng mga kaibigan niya pati yung mga ungas kong kabarkada sa likod ko hanggang sa tinukso-tukso nila ako palagi kapag nagkasalubong kami.

Hanggang sa naging magkaibigan kami. Lagi na kami magkasabay mag lunch. Kapag snacks naman, minsan pinupuntahan ako nila ng mga kaibigan niya tas sabay kami pumupunta sa cafeteria. Hanggang sa kapag may mga activities sa school, kapag may mga practice every Saturday magkasama kami lagi. Hanggang sa sinabi ko sa kanya na "mahal" ko siya. Ewan ko ba kung bakit, pero after ilang years napaisip ako kung love ba talaga tawag doon since ang bata-bata pa namin.

Anyway, so yun. Sinabi rin niya sakin na medyo nade-develop na rin siya at tsaka natawa lang kaming pareho nung sinabi niya na crush niya din ako nuon at may clue na din daw siya na may crush din ako sa kanya kaya di daw siya nagpapahalata. Yun, naging kami. :) Ang saya nun kasi parang iba yung pakiramdam lalo na`t first love namin ang isa`t-isa.

Pero may dumating na malaking pagsubok sa amin. Bumalik dito ang Daddy niya at kinuha sila ng Mommy at kapatid niya. Punta silang Germany for good. Nung sinabi niya sa akin yun, di ko matanggap. Sobrang sakit. Parang pinutol yung kasiyahan ko. Eh wala naman akong magagawa eh at tsaka sobrang bata pa namin nun para makaisip ng paraan dba. Ayun, bago siya umalis. Madami siyang sinabi sakin. Mahal na mahal niya daw ako at sana wag ko siya kakalimutan. Nagdesisyon pa kami nuon na hindi magbreak pero nahirapan kami. Syempre hindi pa uso dati yung mga IM sa amin. :))

Hanggang nung 2010, nagulat ako, in-add niya ako sa Facebook. Sobrang gulat talaga ako eh kasi after niyang umalis wala na talaga kaming communication. In-accept ko agad siya at nag-iwan ako ng message sa inbox niya. Kinamusta ko siya. Nag-usap kami. Na scrnshot ko dati yung usapan namin pero hindi ko na makita. Nasa isang laptop kasi yun. Sira na. Pero ito yung sinabi niya sa isang response niya:

"You have to finish your studies first! Are you crazy? What made you think of working without finishing your course? It`s better to have a profession not just a "work". You know, til now, I don`t have a boyfriend. I still think about you. It makes me teary-eyed everytime I remember the things we used to do back then. I have so many guy suitors here but I didn`t choose any of them. I hope we`ll see each other soon. Take care of yourself."

Sinabi ko rin sa kanya na madami akong naging gf after nung love story namin. Hindi ko alam kung bakit pero parang na-guilty ako nuon nung nalaman kong pinili niyang hindi mag boyfriend dahil lang sa memories na meron kami. Napaka-swerte lang talaga ng lalaking mapapa-ibig niya. She`s the definition of perfect para sa akin nuon. Maganda, matalino, mabait. Lahat na. Maganda estado sa buhay. Hanggang sa nagkausap ulit kami. Kinwento ko sa kanya yung 18 ex-girlfriends ko. Natawa lang kami pareho. Sinabi ko sa kanya na siguro nga hindi talaga kami para sa isa`t-isa. Kailangan na din niya mag-move on at nang makahanap na siya ng taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.

May mga bagay lang talaga sa mundo na kahit anong pilit natin, kung hindi talaga para sa atin, hinding-hindi natin makukuha. Tingnan mo yung Pizza. Circular siya pero bakit square ang lalagyan niya? Kasi meron talagang magkaiba, pero bagay sa isa`t-isa.

Lunes, Hulyo 4, 2011

ANYARE SA LIPUNAN?

Sa lahat talaga ng nakikita ko sa araw-araw na paglibot sa downtown, ayokong ayoko na nakakakita ng mga bata/taong pagala-gala sa kalye. Hindi ko alam kung bulag lang ba ang yung mga taong nakaupo sa pwesto o nagbubulag-bulagan lang talaga. Oo, alam ko. Nagbubulag-bulagan lang sila. Kumikirot talaga ang dibdib ko kapag may nakita akong mga ganyan. Alam kong hindi na bago sa mata ng lahat ang mga taong pagala-gala sa kalye at yung mga batang ulila sa magulang at namamalimos na lang. Ewan ko ba. Sa tingin ko, dito lang sa Pilipinas uso yung "street children" dahil sa kahirapan ng gobyerno pero kayamanan ng nasa pwesto.

Sa America kasi, napansin ko dun. Oo, may mga namamalimos din doon pero hindi sila ulila. Hindi sila mahirap dahil sa gobyerno dun. Tamad lang talaga sila. Kasi kung masipag sila para maghanap ng trabaho doon, wala talagang maghihirap. Kung dito, kawalan ang trabaho, doon naman, kawalan ng trabahador. Kita mo naman yung iba tig-triple ang trabaho. Dahil sa masipag sila. At proud akong sabihin na halos lahat ng mga masisipag na doble-doble ang trabaho dun ay mga Pilipino.

Enough with that, ayoko muna tumalakay ng ganyang topiko. Alam ko kasing madaming sensitive tungkol sa ganyan. Ipo-post ko na lang dito yung luma kong post galing sa Tumblr.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayun-ngayun lang. Lumabas ako para magpaload ng aking broadband. Sa labas ng gate ng kapitbahay namin. Mga 2 houses away from our house, may nakita akong babae. Siguro mga 14-17 years old. Nakaupo dun sa labas ng gate. Kumakain ng kanin na may sabaw sa loob ng plastic tapos yung ginagawa niyang kutsara ay dahon ng saging yata yun na tiniklop-tiklop lang niya para tumigas at magawang kutsara.

Nung dumaan ako, tumingin sya sakin. Ang awkward kasi di ko alam kung titingnan ko din siya o hindi. Tas may lumapit sa kanya na nagtitinda ng dirty ice cream tinanong kung taga san sya. Sinagot naman nya kaya naisip ko na hindi sya baliw. Tapos ayun ubos na yung pagkain nya tas pumunta sya malapit sa mga basura at naghukay. Tas tinawag ko sya at tinanong kung ano hinahanap nya. Sabi niya, pagkain daw. Kaya dinala sya namin ng manong na nagtitinda ng ice cream sa karinderya sa labas at pinakain. Sabi ng manong sakin wala daw siya maibibigay na pera kundi isang cup ng ice cream lang kaya sabi ko ako na lang magbabayad.

Ayun, umuwi ako na nakangiti kasi I`ve done something good today. :) Pero nakakalungkot lang isipin na napaka-unfair talaga ng buhay. Kung sana lahat ng estado natin sa buhay eh pantay-pantay lang pero malabo naman ata yun.

Linggo, Hulyo 3, 2011

SINO NGA BA AKO?

Ako nga pala si JP. 20 years old. Ipinanganak ako sa America. Sa Lancaster, Calfornia. Dun talaga kami nakatira. Masarap ang buhay dun. Buhay mayaman. Wala kang aalahanin kundi ang maglaro, kumain, matulog, gumastos at magparty. Dalawa lang kami magkakapatid. Nung nag 8 years old ako, umuwi kami dito sa Pilipinas. Sa Iloilo City, kasama ang kapatid kong babae, si Danielle.

Yung Mom ko ay Nurse tas si Dad naman, isang retired U.S. Navy. Sa tingin ko naman sa kalagayan namin ay hindi kami mahirap. Saktong may kaya lang pero minsan ay namomroblema din sa pera. Marami kaming pag-aaring negosyo sa loob at labas ng bansa. Siguro sa iba, masasabi nilang mayaman kami at walang problema sa buhay. Hindi perpekto ang buhay ko. Hindi ko nakakasama ang mga magulang ko palagi. Nuong taon na umuwi kami ng Pilipinas, bumalik sa America ang mga magulang namin para ipagpatuloy ang pagtatrabaho nila doon. Laking Yaya kami ng kapatid ko. Halos sampung taon din kaming nangulila sa magulang. Masyado kaming attached sa yaya namin kaya nung namatay siya sobrang lungkot namin ng kapatid ko.

Mula nun, umuwi si Mommy dito. Tumigil siya sa pagtatrabaho bilang isang nurse dahil sa palagay niya daw ay nakapag-ipon naman siya ng sapat para sa amin. Yung tatay ko naman, pagkatapos mag retire sa Navy eh nag put up ng negosyo. Marami siyang negosyo sa iba`t-ibang state sa America. May store siya dun ng gadgets, may home appliance store, at restaurant kung saan lahat ng employees dun eh mga kamag-anakk din namin. Umuuwi lang siya dito minsan kapag hindi busy o kaya naman eh may mga okasyon sa pamilya. Minsan naman, kung wala din pinagkakaabalahan dito, kami ang pumupunta dun para magbakasyon. Hindi na pala kami dun sa Lancaster, nasunog kasi yung katabing apartment dun kaya damay pati sa amin at napag desisyunan ng tatay ko na lumipat sa New York.

Masaya ako sa buhay ko. Maswerte ako sa kaibigan at pamilya ko. Parang magbabarkada lang nga kaming apat eh. Trip ng isa, trip ng lahat.

SANA...

Madami akong hindi malilimutang karanasan, pero isa lang muna ang ibabahagi ko. Naalala ko dati nung 3rd year ako, nag-duty ako sa isang ward kung saan ang sakit ng mga tao ay nakakahawa.

May isang babaeng pasyente dun. Hindi ako ang naka assign sa kanya pero nakatawag ng aking pansin. 87 anyos na siya at ang nagbabantay sa kanya ay ang kapatid niyang babae na 83 anyos. Nrinig ko yung CI namin na inutusan yung kaklase kong naka-assign sa kanya na magbigay ng gamot. Sumama ako para malaman kung ano yung kalagayan niya. Tinanong ng kaklase ko yung bantay niya kung meron na bang gamot si Lola kasi kailangan na niyang uminom sa oras na yun. Malala na kasi masyado ang TB niya. Umiiyak na sumagot ang kapatid niya at nagsabi na wala daw silang pambili talaga. Ilang beses na din daw siyang hindi umiinom ng gamot. Ni wala daw doon kahit isang kamag-anak nila ang pumunta para magbisita at magbigay ng pera. Ni hindi na nga daw nakakauwi para maligo o kumain ang nagbabantay sa kanya. Kaya bumalik kami sa conference room kung saan nandoon yung CI namin at sinabi na wala silang pambili ng gamot kaya sabi ng CI namin ayos lang daw wala naman kaming magagawa dahil wala na talaga silang pera.

Lumabas na yung kaklase ko at nagpaiwan ako. Tinanong ko yung CI namin kung magkano ba yung ganung klaseng gamot. Sabi niya mahal daw. Aabot daw yun ng 1,200PHP ang isang ampule. Naisip ko, medyo may dala naman akong konting pera nung araw na yun kaya gusto ko sanang makatulong at ako na lang bibili ng gamot para dun sa matanda. Sinabi ko iyon sa CI namin. Sabi niya, hindi daw pwede. Bawal yun at pagka nalaman yun ng staff sa hospital, baka pagalitan kaming pareho. Kaya lumabas ako. Bumalik ako dun sa kama kung saan nakahiga yung matanda. Pasikreto kong binigay ang pera sa bantay niya at sinabing bumili siya dun sa botika at ako na lang muna ang magbabantay habang wala siya.

Hindi maiguhit ang tuwa na nakita ko sa mukha ng matanda. Ni hindi siya makapagsalita o makapaniwala na nagbigay ako ng tulong. Ayaw pa sana niyang kunin yun. Pero sinabi kong kailangan na talaga ni Lola ng gamot niya at wag niya sanang mabanggit iyon sa kahit sinong nurse na nagbigay ako. Habang wala yung bantay niya, tinawag ako ng CI ko at may inutos sakin sa ibang pasyente kaya tinawag ko yung kaklase ko para magbantay dun kapalit ko.

Habang nag-aayos ako ng IV line nung pasyente ko, nakita kong nagra-rush yung mga nurse papunta dun sa kama ni Lola. Inatake na pala. Nung dumating ako dun, patay na siya. Sakto din na dumating yung bantay niya. Nagkatinginan kami at niyakap ako habang umiiyak. Sabay sabi, “sana noon ka pa nag duty dito, siguro buhay pa siya ngayon”.

CHICKEN JOY.

So kanina, pumunta ako sa isang maliit na mall dito. Nung lumabas na ako kung saan naka park yung car ko, may batang lalaki na lumapit. Mga 9 years old. He was signaling “stop” to some other vehicles to help me move my car. Tapos kumatok sya sa window, sabi ko, “Wala akong barya eh”. Tapos sabi nya, “Kahit pakainin mo na lang po kami kuya, kami ng kapatid ko. Dalawang araw na kaming hindi kumakain”. Tapos sabi ko, “Okay. Ano ba gusto nyong kainin?”. Sabi nung bata, “Chickenjoy”. HAHA. Medyo natawa ako pero okay lang naman na i-treat ko sila sa Jollibee. Wala naman masama dun. At least, nakatulong ako.

Pinasakay ko sila sa sasakyan ko. Yung isa, umupo sa front seat tapos yung kapatid nya, sa likod. Alam nyu yung nakikita mo silang nakangiti habang nakatingin sa labas ng bintana. Parang na-touch ako kasi naisip ko na maswerte ako dahil kahit paano, wala naman akong problema masyado. Tapos yun, pumunta kami sa Jollibee.
Nung bumaba sila sa sasakyan, pinunasan nila yung upuan. Kasi daw baka magalit ako na dinumihan nila yun. Naramdaman ko talaga na parang nadudurog yung puso ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil kahit paano, parang educated sila sa mga bagay na yun o malulungkot para sa kalagayan nila. Oo, sanay na ako makakita ng mga ganyang bata, kasi every Saturday, nagpapa-feeding si Mommy sa bahay at tinitipon ang lahat ng bata sa kalye. Pero iba yung kanina eh. Parang maiiyak ka na ewan.

So yun na nga, pumasok kami sa Jollibee, ayaw pa nila nung una kasi nahihiya daw sila. Tapos kinausap ko yung guard na kung pwede papasukin sila kahit dun na kami maupo malapit sa pinto. Nung nag order ako, napatingin ako sa kanila. Makikita mo talaga yung mga mata nila na masaya.
Tapos nung nagsimula na silang kumain, eto pa. Nagpray yung kapatid nya. Sabi nya, “Papa Jesus, salamat at nadinig din ang aming panalangin na may taong maawa samin at bibigyan kami ng makakain. Sana huwag nyo syang pabayaan at hindi sya mabangga pag nag drive sya araw-araw”. Alam nyu yun. Tss. Basta. Tapos nung lumabas kami, tinuro nila yung cart na may nagbebenta ng Fried Chicken, yun pala yung sinasabi nilang Chicken Joy. :)