Lunes, Hulyo 4, 2011

ANYARE SA LIPUNAN?

Sa lahat talaga ng nakikita ko sa araw-araw na paglibot sa downtown, ayokong ayoko na nakakakita ng mga bata/taong pagala-gala sa kalye. Hindi ko alam kung bulag lang ba ang yung mga taong nakaupo sa pwesto o nagbubulag-bulagan lang talaga. Oo, alam ko. Nagbubulag-bulagan lang sila. Kumikirot talaga ang dibdib ko kapag may nakita akong mga ganyan. Alam kong hindi na bago sa mata ng lahat ang mga taong pagala-gala sa kalye at yung mga batang ulila sa magulang at namamalimos na lang. Ewan ko ba. Sa tingin ko, dito lang sa Pilipinas uso yung "street children" dahil sa kahirapan ng gobyerno pero kayamanan ng nasa pwesto.

Sa America kasi, napansin ko dun. Oo, may mga namamalimos din doon pero hindi sila ulila. Hindi sila mahirap dahil sa gobyerno dun. Tamad lang talaga sila. Kasi kung masipag sila para maghanap ng trabaho doon, wala talagang maghihirap. Kung dito, kawalan ang trabaho, doon naman, kawalan ng trabahador. Kita mo naman yung iba tig-triple ang trabaho. Dahil sa masipag sila. At proud akong sabihin na halos lahat ng mga masisipag na doble-doble ang trabaho dun ay mga Pilipino.

Enough with that, ayoko muna tumalakay ng ganyang topiko. Alam ko kasing madaming sensitive tungkol sa ganyan. Ipo-post ko na lang dito yung luma kong post galing sa Tumblr.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayun-ngayun lang. Lumabas ako para magpaload ng aking broadband. Sa labas ng gate ng kapitbahay namin. Mga 2 houses away from our house, may nakita akong babae. Siguro mga 14-17 years old. Nakaupo dun sa labas ng gate. Kumakain ng kanin na may sabaw sa loob ng plastic tapos yung ginagawa niyang kutsara ay dahon ng saging yata yun na tiniklop-tiklop lang niya para tumigas at magawang kutsara.

Nung dumaan ako, tumingin sya sakin. Ang awkward kasi di ko alam kung titingnan ko din siya o hindi. Tas may lumapit sa kanya na nagtitinda ng dirty ice cream tinanong kung taga san sya. Sinagot naman nya kaya naisip ko na hindi sya baliw. Tapos ayun ubos na yung pagkain nya tas pumunta sya malapit sa mga basura at naghukay. Tas tinawag ko sya at tinanong kung ano hinahanap nya. Sabi niya, pagkain daw. Kaya dinala sya namin ng manong na nagtitinda ng ice cream sa karinderya sa labas at pinakain. Sabi ng manong sakin wala daw siya maibibigay na pera kundi isang cup ng ice cream lang kaya sabi ko ako na lang magbabayad.

Ayun, umuwi ako na nakangiti kasi I`ve done something good today. :) Pero nakakalungkot lang isipin na napaka-unfair talaga ng buhay. Kung sana lahat ng estado natin sa buhay eh pantay-pantay lang pero malabo naman ata yun.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento