Miyerkules, Enero 25, 2012

PAGE 25 of 366

Yung totoo, di ko maexplain tong nararamdaman ko. Bakit ang hirap? Siguro dahil ngayon lang nangyari na ako yung iniwan. Ganito pala feeling ng taong iniwan ng taong mahal na mahal nya ng higit pa sa buhay nya. Ganito pala ang feeling na mawalan ng isang taong naging malaking parte ng buhay nya. Madaling sabihin na kakalimutan na kita pero ang hirap-hirap gawin. Ang sakit-sakit pa rin. Pero siguro nga kelangan ko na tanggapin na hindi ko na maibabalik yung dating kami. Tutal ako din naman tong may kasalanan ng lahat. Nahihirapan ako samantala sya, parang wala lang. Ni hindi na nga siguro ako naiisip nun. Bakit pa? Sino ba naman ang aalala sa tulad ko? Napakatanga ko nga kasi siguro para saktan yung babaeng pinakamamahal ko. Akala ko sya na talaga yung makakasama ko pagdating ng panahon. Nagkamali pala ako. Tas ngayon, mukhang may ibang tao nang nagpapasaya sa kanya. Nasasaktan ako pero hindi ko naman masabi sa kanya yun. Paano pa? Ni hindi nga ako gustong makausap nun. Kalimutan ko na daw sya. Akala ba nya madali lang yun? Siguro sa kanya oo, pero sa akin hindi. Kasi masyado akong na attach sa kanya. Masyado ko syang mahal. Hanggang ngayon mahal ko pa rin sya pero hindi na nya ko mahal. Nagiging masochist nako. Hindi ko din alam kung bakit. Umaasa pa rin yata ako kahit alam kong wala na akong dapat asahan. Kahit nga siguro na maging magkaibigan kami eh wala nang pagasa. Ang alam ko, galit na galit sya sakin dahil sa mga ginawa ko. Pero mahal ko talaga sya. Gusto ko na mamatay alam mo yun. Para wala nakong maramdaman na sakit. Yun lang naman yata yung way para hindi nako makaramdam ng sakit kasi sa totoo lang sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon. Kahit gaano ko pa gustong itago kapag kaharap ko yung mga kaibigan ko, hindi ko maiwasang maluha. Katulad nung kahapon. Kahit na tawa kami ng tawa tas bigla lang tinanong ng isa kung kamusta daw ba kami, alam mo yun. Para akong bata na biglang naluha. Nahiya nga ako sa mga kaibigan kong babae. Kasi kapag sila yung may problema sa love life at kapag sila yung umiyak sa harap ko eh tinatawanan ko pa sila o kaya naman eh sinasabihan na pabayaan na ang mga yun. Tapos kahapon, niyakap pako ng isa. Naramdaman ko talaga yung pagaalala nila tsaka yung alam ko na gustong gusto nila ko patahanin pero mas lalo lang ako umiyak. Buti na lang kamo kami-kami lang yung tao dun kahapon sa lugar na pinaginuman namin. Pati yung mga kaibigan ko na lalaki parang naging malambot na rin kaka comfort sakin. Ayon, ewan ko. Mukha akong tanga kahapon. Pero wala akong pakialam kung ano yung iisipin nila. Tapos nung nakita ko yung tweet ni Khye kahapon, dumagdag pa yung ungas na yun. Parehong pareho talaga kami ng sitwasyon. Kaso sya, may bago nang bf. Ako? Wala. Ayoko mag gf ulit. Siguro sasabihin niyo na sinasabi ko lang to ngayon kasi nasasaktan ako. Hindi, sinasabi ko to kasi yun yung gusto ko. Gusto ko muna magpahinga sa sakit. Kung dadating na lang siguro yung babaeng muling magpapasaya sakin, yun na rin yung tamang oras na magmahal ako ulit. Na handa akong masaktan ulit. Goodluck na lang sakin sa pagmomove on na to. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa rin ako sa wala pagkatapos nung mga masasakit na sinabi nya sakin nung huli kami magusap. Nasaktan ako nun pero mahal ko pa rin siya. At handa ako masaktan pa para sa kanya.

At 25 pala ngayon. Wala lang. May naalala ako. :) Yun yung araw na sobrang sumaya ako dati. Ayon. Namimiss ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit hindi sya naniniwala. Alam ko sa sarili ko na sobrang minahal ko siya.