Martes, Agosto 28, 2012

It's okay not to be okay.

Stop acting like everything is fine if it isn't. It's okay to fall apart for a little while. You don't always have to pretend to be strong, and there is no need to constantly prove that everything is well. You shouldn't be concerned with what other people are thinking either. Cry if you need to; it's healthy to shed your tears. The sooner you do, the sooner you will be able to smile again.

"Hindi ka totoong nagmamahal kung hindi ka nasasaktan."

Sabi nga nila, kaakibat na ng love ang pain. Kapag nagmahal ka, expect mo na rin dapat na masasaktan ka. Sa hindi mo malamang paraan at dahilan. Hindi naman kasi ibig sabihin na nagmamahal ka eh puro saya na lang ang mararamdaman mo. Baka naman nakalimutan mong "evil is everywhere"? Araw-araw, hindi nawawalan ng disappointments. Araw-araw hindi nawawalan ng temptation. Kumbaga, everyday is a new battle.

Nakakatawa noh? Bakit ganun yung ibang tao? Pag nalaman nilang gusto sila, yung iba parang nagiging abusado na. Pag naman nalamang mahal sila, mas nagiging abusado pa lalo? Ewan ko lang ha, kung ako lang ba yung naka-notice nun. Kahit sino naman yata na nagmamahal, ang tanging gusto eh mahalin din sila pabalik. Pero hindi mo naman mapipilit yung tao na mahalin ka kung hindi ka naman niya talaga mahal. Ang panget naman nun na napilitan lang siyang mahalin ka.

Ako kasi yung tipo ng tao na kapag mahal na kita, hindi ko talaga maiiwasan masaktan o magtampo minsan kapag pakiramdam ko eh nakalimutan mo na ako. Yung tipong ako, sobra kung makapag-alala tapos ikaw, ni isang paramdam wala. Yung text ako ng text, wala kang reply. Kung wala kang load, di ka ba pwedeng makitext? Kung walang pwede hiraman ng cellphone, hindi ka ba pwedeng maka-online saglit? Ang panget kaya ng pakiramdam na para kang nakikipagtext sa hangin. Nakakawalang gana paminsan. Paparamdam ka lang kung kelan mo gusto. Kung kelan ka bored. Kung kelan wala ka na makausap. Kung kelan kelangan mo ng mapagtripan. Okay ako dyan, seryoso. Inaamin ko naman eh. Martyr ako pag nagmamahal ako. Pero sana naman wag mong abusuhin. Lahat naman ng tao darating sa puntong mapapagod, magsasawa.

Ayokong dumating yung araw na yun. Yung parang hindi ko na-prove sa sarili ko na tama ang desisyon kong magmahal. Na tama yung taong pinili kong mahalin. Hindi ko matatanggap na naging tanga ako. Putangina hindi ako option. Kung lalandiin mo ako hanggang sa mahulog ako sayo, siguraduhin mong sasaluhin mo ako. Siguraduhin mong ako lang ang lalandiin mo. Ayoko ng may kahati. Ayoko ng may kaagaw sa atensyon mo.

Kaya kung pwede, kung hindi ka rin lang naman seryoso, ngayon pa lang umalis ka na. Wala akong panahon sa pakikipaglandian lang. Wag mo akong pakitaan ng motibo para umasa kung hanggang paasa ka lang naman. Matakot ka sa karma. Kung hindi ka takot sa karma, putangina ka matakot ka sakin. Ako mismo magiging karma mo.

Miyerkules, Enero 25, 2012

PAGE 25 of 366

Yung totoo, di ko maexplain tong nararamdaman ko. Bakit ang hirap? Siguro dahil ngayon lang nangyari na ako yung iniwan. Ganito pala feeling ng taong iniwan ng taong mahal na mahal nya ng higit pa sa buhay nya. Ganito pala ang feeling na mawalan ng isang taong naging malaking parte ng buhay nya. Madaling sabihin na kakalimutan na kita pero ang hirap-hirap gawin. Ang sakit-sakit pa rin. Pero siguro nga kelangan ko na tanggapin na hindi ko na maibabalik yung dating kami. Tutal ako din naman tong may kasalanan ng lahat. Nahihirapan ako samantala sya, parang wala lang. Ni hindi na nga siguro ako naiisip nun. Bakit pa? Sino ba naman ang aalala sa tulad ko? Napakatanga ko nga kasi siguro para saktan yung babaeng pinakamamahal ko. Akala ko sya na talaga yung makakasama ko pagdating ng panahon. Nagkamali pala ako. Tas ngayon, mukhang may ibang tao nang nagpapasaya sa kanya. Nasasaktan ako pero hindi ko naman masabi sa kanya yun. Paano pa? Ni hindi nga ako gustong makausap nun. Kalimutan ko na daw sya. Akala ba nya madali lang yun? Siguro sa kanya oo, pero sa akin hindi. Kasi masyado akong na attach sa kanya. Masyado ko syang mahal. Hanggang ngayon mahal ko pa rin sya pero hindi na nya ko mahal. Nagiging masochist nako. Hindi ko din alam kung bakit. Umaasa pa rin yata ako kahit alam kong wala na akong dapat asahan. Kahit nga siguro na maging magkaibigan kami eh wala nang pagasa. Ang alam ko, galit na galit sya sakin dahil sa mga ginawa ko. Pero mahal ko talaga sya. Gusto ko na mamatay alam mo yun. Para wala nakong maramdaman na sakit. Yun lang naman yata yung way para hindi nako makaramdam ng sakit kasi sa totoo lang sobrang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon. Kahit gaano ko pa gustong itago kapag kaharap ko yung mga kaibigan ko, hindi ko maiwasang maluha. Katulad nung kahapon. Kahit na tawa kami ng tawa tas bigla lang tinanong ng isa kung kamusta daw ba kami, alam mo yun. Para akong bata na biglang naluha. Nahiya nga ako sa mga kaibigan kong babae. Kasi kapag sila yung may problema sa love life at kapag sila yung umiyak sa harap ko eh tinatawanan ko pa sila o kaya naman eh sinasabihan na pabayaan na ang mga yun. Tapos kahapon, niyakap pako ng isa. Naramdaman ko talaga yung pagaalala nila tsaka yung alam ko na gustong gusto nila ko patahanin pero mas lalo lang ako umiyak. Buti na lang kamo kami-kami lang yung tao dun kahapon sa lugar na pinaginuman namin. Pati yung mga kaibigan ko na lalaki parang naging malambot na rin kaka comfort sakin. Ayon, ewan ko. Mukha akong tanga kahapon. Pero wala akong pakialam kung ano yung iisipin nila. Tapos nung nakita ko yung tweet ni Khye kahapon, dumagdag pa yung ungas na yun. Parehong pareho talaga kami ng sitwasyon. Kaso sya, may bago nang bf. Ako? Wala. Ayoko mag gf ulit. Siguro sasabihin niyo na sinasabi ko lang to ngayon kasi nasasaktan ako. Hindi, sinasabi ko to kasi yun yung gusto ko. Gusto ko muna magpahinga sa sakit. Kung dadating na lang siguro yung babaeng muling magpapasaya sakin, yun na rin yung tamang oras na magmahal ako ulit. Na handa akong masaktan ulit. Goodluck na lang sakin sa pagmomove on na to. Hindi ko alam kung bakit umaasa pa rin ako sa wala pagkatapos nung mga masasakit na sinabi nya sakin nung huli kami magusap. Nasaktan ako nun pero mahal ko pa rin siya. At handa ako masaktan pa para sa kanya.

At 25 pala ngayon. Wala lang. May naalala ako. :) Yun yung araw na sobrang sumaya ako dati. Ayon. Namimiss ko siya. Mahal na mahal ko pa rin siya kahit hindi sya naniniwala. Alam ko sa sarili ko na sobrang minahal ko siya.

Biyernes, Agosto 12, 2011

TOCOPHOBIA.

May iki-kwento ako. Tungkol sa Tito kong nagka-phobia sa mga buntis. Nakakatawa na nakakaawa na nakakainis yung kwentong to. In short, pambaliw. :)) Nagsimula lang siyang matakot sa mga buntis nung namatay ang asawa niya sa panganganak kasama na dun ang ibinubuntis nito. Ayun sa doctor nuon, patay na ang bata nung nasa sinapupunan pa lang. Siguro umabot din ng 2 years bago siya maka-move on. Sobrang sakit nun para sa kanya. Akala nga nila Lola eh mababaliw na si Tito. Hanggang sa may nakilala siyang babae na nagpatibok ulit ng kanyang puso. At sa di inaasahan, nabuntis niya ito. Nung sinabi sa kanya ng babae na nagdadalang tao siya, natakot si Tito. Tinakasan niya ang responsibilidad niya sa babae. Nagalit ang pamilya nung babae at sinugod si Tito ng kapatid na lalaki at binugbog sa mismong bahay niya. Di naman nagtagal, may nakilala ulit siyang babae. Gusto na nilang magpakasal nun pero nung sinabi ng babae na buntis siya, tinakasan na naman yun ni Tito. At naulit pa..at naulit uli. 4 na babae ang nabuntis niya at tinakasan.

Nung 3rd year college na ng pinsan kong babae, yung anak ng Tito ko. Nabuntis siya ng kanyang bf. Pananagutan naman siya ng bf niya pero natatakot lang siya dahil siguradong magagalit nun si Tito lalong-lalo na`t di pa siya nakapagtapos ng kurso niya. Sinabi niya yun kay Tito, kasama yung bf niya. Nagalit sa kanya si Tito at siguro sa sobrang inis rin ng pinsan ko, sinumbatan niya si Tito tungkol dun sa mga babaeng binuntis at iniwan niya. Sinabi ng pinsan ko na mas mabuti pa daw yung bf niya pinanagutan yung mga ginawa niya habang siya, tinakasan lang niya ang mga ito. Dun na nga, natauhan si Tito at tinanggap yung nangyari sa pinsan ko pero yun pa rin, takot pa rin siya sa mga buntis pero pagkatapos manganak ng pinsan ko, nawala na yung takot niyang yun.

Linggo, Hulyo 24, 2011

MAIKING LOVE STORY.

May kaibigan kasi ako. Close friend ko siya nitong college. Sa barkadahan namin, 4 kaming lalaki at 3 ang babae. Isa sa mga babae na yun ay gusto ng kaibigan ko. Itago na lang natin sa pangalang Trish si babae at Marc naman si lalaki. Matagal na niya gusto sabihin. Pero kasi, ang problema may boyfriend na si Trish pero hindi niya ito mahal. Naging boyfriend niya lang yung lalaki dahil “binili” na daw siya nito. Ang parents ng lalaki ang nagbabayad ng tuition ni Trish mula nung nasa 1st year college pa lang kami. Alam namin ang buong kwento ng buhay ni Trish simula nung 1st year. Wala siya tinatago sa aming kabarkada niya dahil sa kapatid ang turingan naming lahat.

Isang araw nung August 2010, gusto na talaga ni Marc sabihin yung nararamdaman niya para kay Trish at sabi ko, kung yun talaga ang gusto niya edi sabihin niya. Ise-set namin yung araw at oras na makapag-usap sila ng sila lang since palagi kami kasi magkasama lahat. So yun, dumating na yung araw na yun. Sinabi na ni Marc kay Trish. At nagulat kami nung sinabi ni Marc na gusto din daw siya ni Trish pero paano daw kasi eh may boyfriend na siya. Kaya hinayaan namin na sila ang magdesisyon. Ayaw kasi namin na dahil sa sulsol namin kaya nila gagawin iyon.

Saturday, may make up duty ako sa hospital kasama ko si Marc. Na-confiscate ng prof namin yung cellphone niya dahil nahuli siyang nagte-text habang nasa duty. Doon ko lang nakita s Marc na ganun kaadik magtext. Hindi kasi siya pala-text. Kaya tinanong ko kung bakit ang busy niya sa cellphone niya. Tas sabi niya si Trish daw yun at nanliligaw na siya pero patago lang. Ako lang daw muna ang nakakaalam sa barkada pero sinabi din naman nila yun sa lahat nung nagkasama na naman kami. Tas dumating yung araw na naging sila na. Halos lahat kam kunyari dedma. Kunyari hindi namin alam na sila na. Yung mga dating nakagawian namin, ganun pa din walang nagbago. Ang sweet nila pag kami ng barkada ang kasama at syempre sa pribadong lugar lang. Mayaman kasi yung isang boyfriend ni Trish at sigurado kaming mahuhuli siya kapag lumantad sila sa publikong lugar.

Maulan nun at maputik ang daan. Pauwi na kami. Nauna na ang tatlo naming kasama at naiwan kami ni Trish at Marc at isa pa naming barkada. Napatid si Trish sa bato at sumakit yung paa niya. Hindi niya daw kaya maglakad. Eh basa na kami nun at malapit naman na yung bahay niya kaya sabi ni Marc, bubuhatin na lang daw niya at kami naman, nasa likod lang nila at tumatakbo kami dahil ang lakas na talaga ng ulan. Abot-tanaw na namin ang bahay nila Trish kaya konti na lang sabi ng isa naming kasama. Pero biglang may dumaan na taxi kaya nagpaalam na kami ng isa kong kasama na magta-taxi na lang kami pauwi since malayo pa ang bahay namin kaya nagpatuloy si Marc sa pagbubuhat kay Trish.
Nung umagang pumasok na kami, wala si Marc. Absent siya. Mukhang malungkot si Trish. Tinanong ko kung bakit. Di niya ko sinagot. Okay lang daw siya. Pero nung breaktime sa canteen, sinabi niya sa amin na break na sila ni Marc. Hindi naman daw niya gusto pero kailangan. Nakita daw sila ng nanay niya at ng boyfriend niya na binubuhat siya ni Marc at pinagalitan siya ng nanay niya. Sinabihan daw siya na makipagbreak siya kay Marc o titigil siya sa pag-aaral. Pero kahit naman daw piliin niya na tumigil sa pag-aaral, wala naman daw siya magagawa dahil sa “nabenta” na siya sa lalaking yun kaya pinili niya ang boyfriend niya.

Sinubukan naming itext at tawagan si Marc pero hindi siya sumasagot hanggang sa dumating yung araw na nag-usap sila. Pumunta daw sila sa Lodge at dun nag-usap ng mabuti. Tinanong siya ni Marc kung mahal daw ba talaga siya ni Trish at paano daw niya malalaman kung totoong mahal daw siya. Sabi ni Trish, kahit naman daw dalawa sila ang naging boyfriend niya, mas mahal daw siya ni Trish kesa dun sa isa. Kasi simula pa lang naman daw eh hindi naman niya minahal yun. Sinabihan daw siya ni Trish na kung ayaw niya maniwala, makikipagsex daw siya kay Marc para yung lang ang paraan na maprove niyang siya lang ang unang lalaking minahal niya. Yung sinabi ni Trish na kahit naman daw hindi siya yung pinili ni Trish, sa kanya pa din naman daw ang puso niya. Pero hindi pumayag si Marc na magsex sila. Hindi naman daw kasi yun ang sagot at hindi naman daw kasi yung habol niya. Pero wala na silang nagawa. Gumraduate kami na hindi sila nag-uusap.

Pero nagulat ako nung nalaman kong sila na ulit. At masaya akong malaman na hindi na nakatali dun si Trish sa boyfriend niya. Dahil umuwi dito ang tatay niya at binayaran daw ang lahat ng ginastos ng lalaki sa kanya ng doble. Pero hindi bati yung nanay at tatay ni Trish dahil sa may 2nd family yung tatay niya sa Taguig.

Martes, Hulyo 5, 2011

FIRST LOVE. (Comedy - Puppy Love - Drama)

Lahat naman yata may first love? Kahit pa hindi naging kayo. Kasi minsan, akala mo crush mo lang, mahal mo na pala. Naaalala niyo pa ba yung mga sari-sariling kwento ng "First Love" niyo? Ako, oo. Sino bang hindi?

Nagsimula akong magka-girlfriend nung Grade 5 ako. Nakakatawa yung kwento kasi parang laro-laro lang. Ano bang ie-expect natin sa kabataan nuon dba? Yung sa panahon pa natin nuon, hindi ngayon ang tinutukoy ko.

May crush ako dati sa kabilang section. Isa siyang half German. Talagang namumula ako nun kapag magkasalubong kami sa campus o kaya naman eh kahit masilip ko siya sa loob ng room nila kapag nadaan kami ng barkada. To make the long story short, ayun. Uhm, one time nasa labas kami ng classroom namin tumatambay tas papalapit siya sa amin kasama rin yung mga friends niya. Tas nung saktong nasa harap ko na siya eh tinulak ako ng isa kong kabarkada papunta sa kanya. Eh ako naman palampa-lampa dati kaya nasandal ako sa kanya. Hiyang-hiya ako nuon eh. Alam niyo yung feeling na napahiya ka sa crush mo. Para sa akin, isang napakalaking kahihiyan talaga yun eh. Tas yun, nag-sorry ako sa kanya tas sabi niya okay lang naman daw pero syempre tawanan sila ng mga kaibigan niya pati yung mga ungas kong kabarkada sa likod ko hanggang sa tinukso-tukso nila ako palagi kapag nagkasalubong kami.

Hanggang sa naging magkaibigan kami. Lagi na kami magkasabay mag lunch. Kapag snacks naman, minsan pinupuntahan ako nila ng mga kaibigan niya tas sabay kami pumupunta sa cafeteria. Hanggang sa kapag may mga activities sa school, kapag may mga practice every Saturday magkasama kami lagi. Hanggang sa sinabi ko sa kanya na "mahal" ko siya. Ewan ko ba kung bakit, pero after ilang years napaisip ako kung love ba talaga tawag doon since ang bata-bata pa namin.

Anyway, so yun. Sinabi rin niya sakin na medyo nade-develop na rin siya at tsaka natawa lang kaming pareho nung sinabi niya na crush niya din ako nuon at may clue na din daw siya na may crush din ako sa kanya kaya di daw siya nagpapahalata. Yun, naging kami. :) Ang saya nun kasi parang iba yung pakiramdam lalo na`t first love namin ang isa`t-isa.

Pero may dumating na malaking pagsubok sa amin. Bumalik dito ang Daddy niya at kinuha sila ng Mommy at kapatid niya. Punta silang Germany for good. Nung sinabi niya sa akin yun, di ko matanggap. Sobrang sakit. Parang pinutol yung kasiyahan ko. Eh wala naman akong magagawa eh at tsaka sobrang bata pa namin nun para makaisip ng paraan dba. Ayun, bago siya umalis. Madami siyang sinabi sakin. Mahal na mahal niya daw ako at sana wag ko siya kakalimutan. Nagdesisyon pa kami nuon na hindi magbreak pero nahirapan kami. Syempre hindi pa uso dati yung mga IM sa amin. :))

Hanggang nung 2010, nagulat ako, in-add niya ako sa Facebook. Sobrang gulat talaga ako eh kasi after niyang umalis wala na talaga kaming communication. In-accept ko agad siya at nag-iwan ako ng message sa inbox niya. Kinamusta ko siya. Nag-usap kami. Na scrnshot ko dati yung usapan namin pero hindi ko na makita. Nasa isang laptop kasi yun. Sira na. Pero ito yung sinabi niya sa isang response niya:

"You have to finish your studies first! Are you crazy? What made you think of working without finishing your course? It`s better to have a profession not just a "work". You know, til now, I don`t have a boyfriend. I still think about you. It makes me teary-eyed everytime I remember the things we used to do back then. I have so many guy suitors here but I didn`t choose any of them. I hope we`ll see each other soon. Take care of yourself."

Sinabi ko rin sa kanya na madami akong naging gf after nung love story namin. Hindi ko alam kung bakit pero parang na-guilty ako nuon nung nalaman kong pinili niyang hindi mag boyfriend dahil lang sa memories na meron kami. Napaka-swerte lang talaga ng lalaking mapapa-ibig niya. She`s the definition of perfect para sa akin nuon. Maganda, matalino, mabait. Lahat na. Maganda estado sa buhay. Hanggang sa nagkausap ulit kami. Kinwento ko sa kanya yung 18 ex-girlfriends ko. Natawa lang kami pareho. Sinabi ko sa kanya na siguro nga hindi talaga kami para sa isa`t-isa. Kailangan na din niya mag-move on at nang makahanap na siya ng taong mamahalin niya at magmamahal sa kanya.

May mga bagay lang talaga sa mundo na kahit anong pilit natin, kung hindi talaga para sa atin, hinding-hindi natin makukuha. Tingnan mo yung Pizza. Circular siya pero bakit square ang lalagyan niya? Kasi meron talagang magkaiba, pero bagay sa isa`t-isa.

Lunes, Hulyo 4, 2011

ANYARE SA LIPUNAN?

Sa lahat talaga ng nakikita ko sa araw-araw na paglibot sa downtown, ayokong ayoko na nakakakita ng mga bata/taong pagala-gala sa kalye. Hindi ko alam kung bulag lang ba ang yung mga taong nakaupo sa pwesto o nagbubulag-bulagan lang talaga. Oo, alam ko. Nagbubulag-bulagan lang sila. Kumikirot talaga ang dibdib ko kapag may nakita akong mga ganyan. Alam kong hindi na bago sa mata ng lahat ang mga taong pagala-gala sa kalye at yung mga batang ulila sa magulang at namamalimos na lang. Ewan ko ba. Sa tingin ko, dito lang sa Pilipinas uso yung "street children" dahil sa kahirapan ng gobyerno pero kayamanan ng nasa pwesto.

Sa America kasi, napansin ko dun. Oo, may mga namamalimos din doon pero hindi sila ulila. Hindi sila mahirap dahil sa gobyerno dun. Tamad lang talaga sila. Kasi kung masipag sila para maghanap ng trabaho doon, wala talagang maghihirap. Kung dito, kawalan ang trabaho, doon naman, kawalan ng trabahador. Kita mo naman yung iba tig-triple ang trabaho. Dahil sa masipag sila. At proud akong sabihin na halos lahat ng mga masisipag na doble-doble ang trabaho dun ay mga Pilipino.

Enough with that, ayoko muna tumalakay ng ganyang topiko. Alam ko kasing madaming sensitive tungkol sa ganyan. Ipo-post ko na lang dito yung luma kong post galing sa Tumblr.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ngayun-ngayun lang. Lumabas ako para magpaload ng aking broadband. Sa labas ng gate ng kapitbahay namin. Mga 2 houses away from our house, may nakita akong babae. Siguro mga 14-17 years old. Nakaupo dun sa labas ng gate. Kumakain ng kanin na may sabaw sa loob ng plastic tapos yung ginagawa niyang kutsara ay dahon ng saging yata yun na tiniklop-tiklop lang niya para tumigas at magawang kutsara.

Nung dumaan ako, tumingin sya sakin. Ang awkward kasi di ko alam kung titingnan ko din siya o hindi. Tas may lumapit sa kanya na nagtitinda ng dirty ice cream tinanong kung taga san sya. Sinagot naman nya kaya naisip ko na hindi sya baliw. Tapos ayun ubos na yung pagkain nya tas pumunta sya malapit sa mga basura at naghukay. Tas tinawag ko sya at tinanong kung ano hinahanap nya. Sabi niya, pagkain daw. Kaya dinala sya namin ng manong na nagtitinda ng ice cream sa karinderya sa labas at pinakain. Sabi ng manong sakin wala daw siya maibibigay na pera kundi isang cup ng ice cream lang kaya sabi ko ako na lang magbabayad.

Ayun, umuwi ako na nakangiti kasi I`ve done something good today. :) Pero nakakalungkot lang isipin na napaka-unfair talaga ng buhay. Kung sana lahat ng estado natin sa buhay eh pantay-pantay lang pero malabo naman ata yun.